Pinoy Street Food: Binatog
>> Saturday, September 26, 2009
ang binatog na nahaluan na ng asukal (kapag bumili ka ng binatog, itatanong ni manong tindero kung lalagyan nya ba ng asin, kung di kayo mahilig sa matamis pwede nyo ng palagyan ng asin pero kung plano nyo lagyan ng asukal, I suggest, you oppose the salt right away, hehe)
Read more...
Ito ang meryenda ko kahapon, habang niluluray ni bagyong Ondoy ang Metro Manila at ang mga karatig probinsya nito. Sandaling huminto ang ulan kahapon kaya nakagala pa ang tindero ng binatog at sa background ng unang larawan, makikita nyo na medyo nakalaya din ang mga bata, pansamantala, sa aking tantya mga 5 minutes lang, hahaha. Ito rin ang napili ko isali na post sa Yummy Sunday dahil may hiling ang host ng meme na ito na paboritong pagkain daw ang ilahok ngayong linggo.
At kung nagtataka kayo kung bakit Tagalog (Filipino) ang lenggwaheng gamit ko, madali lang po ang sagot - di ko kasi alam kung ano ang binatog sa Ingles (English).
Nga pala, kakabasa ko lang, mayroong give-away promo sa Perfectly Blended (ang bagong bahay ng Yummy Sunday), mamimigay sya ng berdeng balabal (shawl) sa maswerteng kalahok sa Yummy Sunday ngayong linggo. Kung kayo ay interesado, maaari po lamang bumisita sa nasabing blog para sa detalye.
Ratings:
5 out 5
(syempre!)