Pinoy Street Food: Binatog
>> Saturday, September 26, 2009
ang binatog na nahaluan na ng asukal (kapag bumili ka ng binatog, itatanong ni manong tindero kung lalagyan nya ba ng asin, kung di kayo mahilig sa matamis pwede nyo ng palagyan ng asin pero kung plano nyo lagyan ng asukal, I suggest, you oppose the salt right away, hehe)
Ito ang meryenda ko kahapon, habang niluluray ni bagyong Ondoy ang Metro Manila at ang mga karatig probinsya nito. Sandaling huminto ang ulan kahapon kaya nakagala pa ang tindero ng binatog at sa background ng unang larawan, makikita nyo na medyo nakalaya din ang mga bata, pansamantala, sa aking tantya mga 5 minutes lang, hahaha. Ito rin ang napili ko isali na post sa Yummy Sunday dahil may hiling ang host ng meme na ito na paboritong pagkain daw ang ilahok ngayong linggo.
At kung nagtataka kayo kung bakit Tagalog (Filipino) ang lenggwaheng gamit ko, madali lang po ang sagot - di ko kasi alam kung ano ang binatog sa Ingles (English).
Nga pala, kakabasa ko lang, mayroong give-away promo sa Perfectly Blended (ang bagong bahay ng Yummy Sunday), mamimigay sya ng berdeng balabal (shawl) sa maswerteng kalahok sa Yummy Sunday ngayong linggo. Kung kayo ay interesado, maaari po lamang bumisita sa nasabing blog para sa detalye.
Ratings:
5 out 5
(syempre!)
Nga pala, kakabasa ko lang, mayroong give-away promo sa Perfectly Blended (ang bagong bahay ng Yummy Sunday), mamimigay sya ng berdeng balabal (shawl) sa maswerteng kalahok sa Yummy Sunday ngayong linggo. Kung kayo ay interesado, maaari po lamang bumisita sa nasabing blog para sa detalye.
Ratings:
5 out 5
(syempre!)
9 comments:
Wow ang tagal ko ng hindi nakakakain ng binatog. Yun pala tawag dun. Hehe! As in years na.
oopppss.. never tasted that one.. pahingi.. visit mine also
I never tried that one too. By the way, your Tagalog is good..he.he.he.. :) Thanks for joining!
Hmm.. I would love to try that one next time..saan to mabibili? sa Manila lng?or other provinces din?
Mine is up too!
Lalaine's World
From Asia and Beyond
Day to Day Miracles
Trying to be Fit
Not a Shopaholic
di pa ako nakatikim nyan, siguro masarap, hmmmm...
Salamat sa dalaw, God bless
http://bacolodandbeyond.blogspot.com
I always love binatog with sugar...
tagal ko na rin di natikman yan ... pero naririnig ko si Mamang Binatog halos araw-araw. nilalagay namin asin, lol. masubukan nga ung asukal minsan...
Hello!
I'd like to thank you first for such an entertaining blog. Nakakagutom at nakakagana kumain, super reminiscing lalo na sa overseas Pinoy like myself.
I think ang pinaka-malapit na translation ng binatog is the English term "hominy"- not necessarily original na English pero anglicized ang term. Popular 'to sa Southern and Mexican cuisine, gawa din sya sa corn. Hinde ko lang alam kung kinakain nila ito gaya natin na may halong niyog at asukal, or inasnan.
Hi! I hope I could borrow your picture of binatog. I used it for my blog post and linked it back to your site. Thanks!
Post a Comment